Kindergarten (HOIKUEN/YOUCHIEN)
Elementary School 6 years (SHOUGAKKO)
3 years for Junior High School (CHUUGAKKO)
3 years High School (KOUKOU)
4 years University/College (DAIGAKU)
May entrance exam (NYUUSHI) sa high school at university(public/private).Mayroon ding entrance exam kung private school ang elementary at junior high school.Para makapasa sa entrance exam,maraming bata ang nag-aaral sa "JUKU" o cram school/tutorial.Kung gustong ipasok ng magulang ang anak nila sa private elementary,kinder pa lang pumapasok na sa JUKU.
Ayon sa website,ang 41.3 percent na bata ng elementary ay pumapasok sa JUKU.Ang average na gastos para sa JUKU ay umaabot sa 140,000yen sa isang taon.Ang junior high school (public) naman,ang 74.4 percent na estudyante ay pumapasok sa JUKU.Ang average ng bayad sa JUKU ay umaabot sa 235,000yen sa isang taon.
Marami rin ang nag "NARAIGOTO" o nag aaral ng English,swimming,dancing,piano,sports atbp.
Para sa mga magulang,magastos talaga ang pag aalaga ng bata dito sa Japan.